
And this is me, still in Calaruega. It's very nice there, btw. Very conducive to deep thought. Nice view. Makes you feel very close to nature. Allows you to appreciate nature. Very very good facilities. And magandang pagdausan ng kasal. Kaso, di naman ako catholic.

From the Flower Vendors, we went to Calaruega to visit the chapel there. Here is Amor in a very scenic view, posing to be contemplating.

This is, I think, the first beetle I've ever seen. Kung beetle nga sya. Parang. Gumagalaw kasi sya kaya malabo yung pict. It was uber small, siguro mga 5mm lang.

Next stop dapat after lunch ay ang Flower Farm. KASO, SARADO PALA SYA. Hehehe. Dahil nga ay Holy Week. Napadpad tuloy kami sa Flower STORES along the road to Nasugbu. Para kaming kawawang naglalakad sa isang road na puro mga kotse ang dumadaan. Pero okay na rin dahil nakakita naman kami ng maraming flowers along the way.

Ang ulam namin ni Amor ay relleno. Nakalimutan ko paano hiwain ang relleno kaya nagala-daing (?) sya. Hinati ko lengthwise sa gitna (not shown here). Halatang wala akong alam sa pagpe-prepare ng food. In fairness, masarap yung relleno. Favorite ko na nga yata sya eh.

Syempre, si Jackie ay nagpakuha ng pictureS nya. This is one of them. Merong sepia, B&W, may labas-bra, etc.

Again, walang pansinan ng bilbil. Pansinin nyo na lang ang di-ko-alam-kung-bakit na napaka tambok na cheeks dito ni Amor. Hehehe.

Lunch na so we decided na kumain ng Bulalo at ang sabi-sabi ay yun daw ang masarap sa areang ito. Itong kinainan namin ay sa tapat lang ng Picnic Groove. Masarap naman ang bulalo nila. :D

Sa Palace in the Sky, merong parang groto. Dun to. Walang pansinan ng bilbil. Tignan mo yung view sa likod.

Hindi ko alam bakit nakabusangot si Amor. Ito ay sa semi-bridge over the kidney-shaped supposedly-ay-swimming-pool-ni-Marcos. Siguro nalulungkot sya dahil napaka-off ng bridge na ito over the pool. Or dahil walang tubig at gusto nya sanang mag swimming, ewan.

Dahil late si Pia, di kami naka-akyat ng Palace in the Sky agad. Inisip kasi namin, kawawa naman c Pia kung aakyat sya mag isa. Hehehe. Antagal nga lang ni Pia. Gusto ko nang kainin yung sandwich para sa kanya. At napanood na naming gumalaw ang shadow ng ulap.

Syempre first thing to do ay mag pictyoran. But walang kukuha ng pict namin so hinawakan ko na lang. Kaya ako lang din ang nakita. Well me at ang katabi kong si Jax.

First Stop: People's Park in the Sky a.k.a. Palace in the Sky. Ang "dilapitated" na supposedly ay Marcos Palace sa Tagaytay. Di na finish ang supposedly ay very grand house sa di ko malamang dahilan. Maganda sana sya kung natapos. Pero dahil hindi, at dahil ang pangit na ng ginawa nilang "adjustments" para maging semi-park ay napaka pangit nya. Walang kwentang "tourist spot". Although maganda ang view.










